Parañaque City, sinimulan ang pamamahagi ng buwanang allowance para sa mga mag-aaral

Parañaque City, sinimulan ang pamamahagi ng buwanang allowance para sa mga mag-aaral

SINIMULAN ng lungsod ng Parañaque ang pamamahagi ng P500 buwanang allowance sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang senior high schools students sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Mayor Eric Olivarez, naglaan ang lokal na pamahalaan ng P600 milyon para sa programa at magsisimula itong ganapin mula Setyembre hanggang Disyembre 2023.

Ipamamahagi ang educational assistance sa hindi bababa sa 110,000 na mga mag-aaral.

Samantala, makakukuha ng P3,500 special allowance ang 1,803 na estudyante na mayroong general average na 81.86% habang ang 1,669 na mayroong gradong 87% pataas ay makakakuha ng P5,00.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter