NAGSAGAWA ng mega job fair ang Pasay City para sa mga kaka-graduate lang ng kolehiyo mula sa City University of Pasay.
Tinatayang 1,270 ang fresh graduates na lumahok.
Kaugnay nito, 55 local companies ang sumali sa mega job fair na isinagawa sa music hall ng SM Mall of Asia nitong Hunyo 30 mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Aabot naman sa 3.5-k na job opportunities para sa nagnanais na magkaroon ng trabaho.