NGAYONG araw ng Martes, Setyembre 5, ang unang araw ng effectivity ng rice price ceiling kaya hihigpitan ng Pasay LGU ang pagbabantay sa mga tindero at wholesaler ng bigas.
Para tiyaking tatalima ang lahat ng rice traders ng Pasay City sa Executive Order (EO) No. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Suportado ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang nais ni Pangulong Marcos na pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas dahil sa pananamantala ng ilang rice trader sa supply ng local at imported na bigas.
Ayon kay Mayor Emi paki-uusapan niya ang mga rice traders na sumunod sa kautusan ng Pangulo na ipatupad ang price cap na P41/kilo ng regular milled rice at P45/kilo naman sa well-milled rice.
Pinatitiyak din ni Mayor Emi na 24/7 ’round-the-clock’ ang pagbabantay sa presyo ng mga basic commodities sa lahat ng pamilihan.