Pasig RTC pinayagan ang pagpapalabas ng pre-recorded videos ni senatorial candidate Pastor Apollo Quiboloy sa campaign sorties

Pasig RTC pinayagan ang pagpapalabas ng pre-recorded videos ni senatorial candidate Pastor Apollo Quiboloy sa campaign sorties

ASAHAN na ng mga tagasuporta ni senatorial candidate Pastor Apollo Quiboloy na patuloy nilang maririnig ang kaniyang tinig at mensahe sa bawat campaign rally, kahit hindi siya personal na makakadalo.

Naglabas ng desisyon ang Pasig City RTC Branch 159 na pumapabor sa mosyon na muling ipalabas ang mga pre-recorded video messages ni Pastor Apollo Quiboloy sa campaign sorties.

Sa inilabas na court order, pinahihintulutan nang maipalabas muli ang 35-minute video message na ginamit sa proclamation rally noong Pebrero 11, pati na rin ang 32-minute Q&A ni Pastor Apollo kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Israelito Torreon. Kasama rin sa aprubadong video ang kaniyang mensahe sa PDP-Laban proclamation rally noong a-trese ng Pebrero.

Bukod rito, inaprubahan na rin ng korte ang bagong pre-recorded video message na itinakda para sa campaign rally sa Iloilo sa Marso 1, na ngayon ay gagawin na lamang sa Laguna.

Nagbigay rin ng paalala ang hukom na kailangang mahigpit na sundin ang guidelines ng korte sa pagpapalabas ng mga video.

Ayon kay Atty. Torreon, patuloy na umiinit ang suporta ng taumbayan kay Pastor Apollo, na malayong-malayo sa ipinapakita ng ilang survey.

Sa katunayan, noong Pebrero 11, si Pastor Apollo Quiboloy lang ang nagawang magsagawa ng sabay-sabay na proclamation rally sa buong bansa—isang tagumpay na hindi basta-basta naabot ng ibang kandidato!

Ngunit higit pa sa kampanya, bitbit ni Pastor Apollo ang mga konkretong programa at solusyon para sa bayan.

Kabilang dito ang Zero Corruption Program na naglalayong walisin ang katiwalian sa gobyerno, pati na rin ang Accessible Health Program sa pamamagitan ng Health Facilities Expansion Bill, na magbibigay ng mas maayos at abot-kayang serbisyong medikal sa mamamayan.

Isinusulong din niya ang Eco-Tourism at Tree Planting Initiative upang mapangalagaan ang kalikasan at mapalakas ang turismo.

Bilang tugon sa pangangailangan ng mga mahihirap, inilunsad niya ang Weekly Grocery Assistance para sa mga nasa Class D at E, gayundin ang Free Meals Program upang masigurong walang Pilipinong magugutom. Kasabay nito, tinututukan niya ang pagpapalawak ng oportunidad sa hanapbuhay sa pamamagitan ng mas maraming trabaho at livelihood programs para sa bawat Pilipino.

Sa ngayon, mahigit 70 panukalang batas na ang kanyang na-draft—kahit hindi pa siya opisyal na nasa Senado!

At higit sa lahat, kahit noon pa man, milyon-milyong Pilipino na ang natulungan ng kanyang kongregasyon—mula sa feeding programs, medical missions, tree planting initiatives, at iba pang humanitarian efforts.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble