NANANATILING suspendido ang pasok sa government offices at lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Luzon ngayong Biyernes, Oktubre 25, 2024.
Sa anunsiyo ng Office of the Executive Secretary, ito’y dahil marami ng lugar sa Luzon ang isinailalim sa Tropical Wind Signal No. 1, 2 at 3.
Hakbang na rin ito para maipatuloy ang pagsasagawa ng rescue at relief operations ng pamahalaan.
Kasabay rito ay suspendido rin ang pagpapatupad ng number coding scheme ngayong araw.
Ayon ito sa anunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).