Pastor ACQ, ikakampanya si VP Sara sa susunod na eleksiyon

Pastor ACQ, ikakampanya si VP Sara sa susunod na eleksiyon

HINDI mapigilan ni Pastor Apollo C. Quiboloy na ilahad ang kaniyang labis na paghanga sa tapang at malasakit na patuloy na ipinapakita ni Vice President Education Secretary Sara Duterte sa mga kabataan kontra sa halimaw na CPP-NPA-NDF.

Ito ay matapos inihayag ng pangalawang pangulo sa kaniyang talumpati sa 116 founding anniversary ng Kabankalan City na hindi ito pumunta para ikampanya ang sarili sa susunod na halalan bagkus ay ikampanya ang pagbagsak ng mga NPA.

“I am here to campaign, not for the 2028 elections but to campaign against the NPA. Investing on security will be one of your city’s success. Don’t let your children be recruited by rebels,” pahayag ni Vice Pres. Sara Duterte.

“Dyan talaga ako nabi- believe kay VP ehh. Kung believe ako noon, mas napabilib mo ako ngayon. Dire-diretso ba iyong pananalita– wala bang wave wave. Walang palambot-lambot na wave-wave. Wala eh. Ito iyong talagang kailangan natin para sa mga ibig magpabagsak ng ating bansa.” 

“Walang ibang pakay kasi itong NPA kundi gamitin ang karahasan para pabagsakin ang pamahalaan at sila ang maghari. Kaya sinabi niya I am here to campaign not for 2028 elections but to campaign against NPA.”

“Ganda pagkagawa Vice President! Kung believe ako noon sayo, mas believe ako ngayon. Kung nagagandahan ako sayo noon, mas gumanda ka pa sa paningin ko ngayon at dire-diresto ang pananalita- ‘investing on security will be one of your city’s success.’ Kaya successful siya eh noh? ‘Don’t let your children recruited by rebels.’” 

“Yan diretso- grabee! Ganyan talaga!” pahayag ni Pastor Apollo.

Kagaya ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nakilala ang bise-presidente sa kaniyang malakas na paninindigan kontra sa mga salot na terorista na nang-rerecruit ng mga kabataan para dalhin sa bundok at gawing parte ng armadong pakikibaka.

Sa huli ay ibinigay ng butihing Pastor ang kaniyang buong suporta at kumpiyansa kay VP Sara sakaling tumakbo ito bilang pangulo sa susunod na eleksiyon.

“Huwag kang mag-alala Vice, siguradong-sigurado na ang 2028- ang bansa natin nasa mabuting kamay– I am 200 percent for you in 2028,” pagtatapos ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Instagram