Pastor ACQ kay VP Sara Duterte: Tunay na nagmamahal sa bayan

Pastor ACQ kay VP Sara Duterte: Tunay na nagmamahal sa bayan

NAGBIGAY ng pahayag si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ patungkol sa pagbawi ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte sa hiling na confidential funds para sa 2024.

“Narindi na rin ang ating VP, ‘yung hinihingi nyang budget, ang liit noon considering sa ibang budget ng ibang leader jan. What is 500 million na gagamitin as intelligence fund? She’s VP and Education Secretary,” saad ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ito ang naging pahayag ni Pastor Apollo kaniyang programang Spotlight nitong Huwebes, Nobyembre 9, 2023.

Ginawa ng bise presidente ang hakbang bago matapos ang budget deliberation ng Office of the Vice President (OVP) sa Senado nitong Huwebes.

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara Duterte na maaari lamang magmungkahing kaukulan o karapat-dapat na budget para sa maayos na implementasyon ng mga proyekto laban sa kahirapan at mga programa na magtataguyod ng kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino.

Ngunit sa kabila nito, hindi na lang ipagpapatuloy ang hiling dahil ito aniya’y nagiging dahilan ng pagkakawatak-watak- bagay na taliwas sa sinumpaan niyang pangako na itaguyod ang mapayapa at malakas na bansa.

Pinuri naman ng butihing Pastor ang desisyon ng pangalawang pangulo at inahalintulad ito sa kuwento ng dalawang mag-ina sa Bible kung saan ipanaubaya ng tunay na ina ang kaniyang anak, huwag lamang itong patayin.

“Doon lumitaw ang tunay na pag-ibig ng nanay para di mamatay ang anak nya….putilin nyo ang confidential funds para mapasama sya..sabi ng tunay na nagmamahal sa bansa, sa inyo na para di ma-divide ang bansa, hindi mag-away,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Para kay Pastor Apollo, si VP Sara ang tunay na nagmamahal sa bayan dahil nagawa nitong ipaubaya ang confidential funds mapanatili lamang ang kapayapaan sa bansa.

“Sino ngayon ang tunay na nagmamahal sa bayan na ito, hindi ako nahihiyang sabihin na si Vice President Sara Duterte,” diin ni Pastor Apollo.

Samantala, binigyang-diin din ni Pastor Apollo na si VP Sara ay mapagkakatiwalaan sa pera dahil napatunayan na ito noong mayor pa siya sa Davao City.

Aniya, nais lamang talagang sirain ang repustasyon ng bise presidente kaya ito ginagawan ng isyu.

“Alam ko ang babaeng ito, naging mayor sya ng Davao City, matuwid ‘yan pagdating sa pera, very strict tapos ginawa pang issue because gusto lang masira ang kanyang reputasyon. Pilit nilang ginagawang magnanakaw siya, pilit nilang ginagawang nanakawin niya ang pera para masira ang kanyang reputasyon para sa 2028 bagsak ang kanyang rating,” saad pa ng butihing Pastor.

Matatandaang, una nang nagkaroon ng mga ulat na mayroong siyam na senador na umano’y planong ibalik ang hiling na confidential fund ni VP Sara, ngunit pinabulaanan naman ito Sen. Jinggoy Estrada at sinabing, sa katunayan, unanimously o lahat ng mga senador ay nagkasundo na tanggalan ang lahat ng civilian agencies na mayroong confidential fund kabilang nga ang OVP) at Department of Education (DepEd).

Ito’y upang bigyan anila ng pondo ang mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa national security, partikular sa isyu ng West Philippine Sea.

Follow SMNI NEWS on Twitter