SANG-ayon si Pastor Apollo C. Quiboloy na magkaroon ng Maharlika Investment Fund (MIF) ngunit nilinaw nito na malaki ang responsibilidad na kakaharapin ng gobyerno kalakip nito kabilang na nga ang transparency.
Sinabi rin ng butihing Pastor na ang napakaraming bureaucratic channels ng gobyerno ay isang senyales ng korupsyon dito.
“Transparency ang dapat isagawa pagka mayroong mga perang involved na nasa gobyerno tulad nitong Maharlika Investment Fund” ayon kay Pastor Apollo.
Kung hindi ani Pastor Apollo na magiging malinaw kung saan napupunta ang pondo na itatago ng gobyerno ay mauuwi lamang ang mga ito sa eskandalo at kawalan ng resulta sa mga proyektong layuning maitayo sa pamamagitan nito.
“Okay lang iyan kasi ang layunin niyan, magkaroon tayo ng progreso, maka-invest tayo tapos magkaroon ng progreso para sa infrastructure, para rito, para roon pero kung walang transparency, that will end up in scandals, that will end up in Senate hearings, that will end up in many, many hours na magagasto para sa hearing-hearing dahil sa korapsyon at ang resulta wala,” dagdag ni Pastor Apollo.
Ayon kay Pastor Apollo, sang-ayon siya sa anumang uri ng investment basta makikita ng mga Pilipino ang resulta ng mga ito.
Kinakailangan din ani Pastor Apollo na ayusin ng pamahalaan ang mga proseso na nakakahadlang sa mga proyektong nais nitong maisakatuparan gaya na lamang ng maraming bureacratic channels na isa umanong senyales ng korupsyon.
“Ako okay ako sa anumang klaseng investment basta makikita ang resulta, resulta ang tinitingnan ko kahit sa pamamahala ko sa Bansang Kaharian. Involved ang pera tingnan natin, ito ba ay mananagumpay, ito ba ay magiging matagumpay ang project na ito o itong ating gagawing plano na ito sa katapusan ito ang ating layunin, hindi ba ito mauuwi sa wala?” ayon pa sa butihing Pastor.
“Sa gobyerno, importante kasi transparency kahit anumang gawin natin pagka may-involved na pera kung walang transparency kung maraming bureaucratic na ginagawa. Ito kasing bureaucracy minsan ang nakakahadlang e, bakit napakaraming mga bureucratic channels, corruption iyan e,” aniya.
Dagdag pa ni Pastor Apollo, gawin na lamang ng gobyerno na simple ang mga hakbang nito upang maiwasan ang iba pang eskandalo na mag-aalis ng tiwala ng publiko.
“Make it simple, simplicity is the science of sophistication. Yes, pagka hindi simple ang isang bagay, naku alamin ninyo korapsyon iyan. Pagka hindi ginawang simple, pagka ginawang complicated. Napakaraming batas na ginagawa, bakit marami pa ring eskandalo, bakit marami pa ring eskandalo ng korapsyon? Eh iyong mga batas na iyon ang mismong nagtatago e kaya less laws, less corruption,” saad ng butihing Pastor.