Pastor Apollo C. Quiboloy, planong magtatag ng libreng serbisyong legal para sa OFWs

Pastor Apollo C. Quiboloy, planong magtatag ng libreng serbisyong legal para sa OFWs

PINAPLANO ni Pastor Apollo C. Quiboloy na magtatag ng libreng serbisyong legal para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa programang Spotlight nitong Huwebes, Enero 19, nagpahayag ng suporta si Pastor Apollo sa mga OFW.

Aniya, mahalagang pagtuunan ito ng pansin upang mapangalagaan ang mga OFW na nagpapanatili sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

“Kinakailangan siguro talaga magtalaga ng mga competent lawyers para sa ating mga migrant workers. Biro mo sa karami-rami nito, walang na-acquit kahit isa. So wala silang magandang legal representation. Dapat magtalaga ang pamahalaan para mapangalagaan ang ating mga OFWs na syang nagsusustain ng ating ekonomiya sa Pilipinas,” ayon kay Pastor Apollo.

Kaugnay rito, naisip din ni Pastor Apollo na magtatag ng isang libreng serbisyong legal para sa mga OFWs upang matugunan ang kinakaharap nilang mga kaso.

Ito ay sa pakikipagtulungan sa Jose Maria College of Law.

“Magtatayo tayo ng isang malakas na law firm na ii-sponsor ng ating Jose Maria College siguro para libreng pagtatanggol sa mga OFWs na may mga kaso abroad. Kung may kaso sila, pupunta sila doon. Di ba napakagandang public service yon, sponsored by SMNI and Jose Maria College,” saad ng butihing Pastor.

Samantala, layon ng butihing Pastor na makipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa programang ito.

‘’Atleast 100 lawyers. Yun lang ang talagang trabaho nila para kung saan man may mga kaso ang ating OFW, meron tayong grupong ganon, coordinate with the OWWA ba o Department of Migrant Workers,’’ paliwanag nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter