HINDI lang basta pangako—ginagarantiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang malinis at tapat na serbisyo publiko sa ilalim ng PDP Duterten Slate. Kung prinsipyo at paninindigan ang usapan, ang PDP Laban ang grupo na hindi matitinag, hindi kayang bilhin, at hindi papayag magbenta ng kanilang mga pagpapahalaga.
Habang patuloy ang pagdami ng mga isyung pampulitika at mga gahaman sa kapangyarihan, nananatiling buhay ang laban ni Pastor Apollo at ng PDP Laban—ang laban para sa mga Pilipino. Sa harap ng korapsyon, panlilinlang, at pang-aabuso, nandiyan sila upang baguhin ang sistema at ipaglaban ang interes ng nakararami.
Giit pa ni Pastor Apollo, isang mahalagang katangian na walang kapantay ang kanilang grupo: hindi nila kayang ipagpalit ang kanilang mga prinsipyo at paninindigan para sa kahit anong halaga ng salapi. Hindi ito simpleng pangako—isang prinsipyo na napatunayan na niya sa mga pinakahirap na panahon ng kanyang buhay. Sa kabila ng matinding political persecution na hinarap ng kanyang pinamumunuan, ang Kingdom of Jesus Christ, hindi siya kailanman nag-atubiling ipaglaban ang katotohanan.
Siniil ang kalayaan sa pamamahayag, binastos ang pananampalataya, at sinira ang pagkatao ng mga miyembro ng kanyang organisasyon dahil lamang sa malapit siya sa pamilya Duterte. Ngunit, ayon kay Pastor Apollo, hindi siya tumalikod sa laban, at hindi niya iniiwanan ang kanyang mga kaibigan at ang bayan. Sa kabila ng lahat ng ito, nanatili siyang tapat sa mga prinsipyo ng paglilingkod sa Diyos at sa bayan.
At ito ang katotohanan na nais niyang itaguyod—isang katotohanan na hindi sinusunod ng Marcos Jr. administration.
Bukod sa laban kontra korapsyon, tangan din ng PDP Laban ang mga programa tulad ng libreng serbisyong pangkalusugan, de-kalidad na edukasyon, at mga oportunidad para sa mga Pilipino. Itinataguyod din nila ang malayang pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapabuti ng imprastruktura para sa mas maginhawang buhay ng bawat mamamayan.
Samantala, ilang araw bago ang botohan sa Mayo a-dose, patuloy ang paglawak ng suportang nakukuha ng PDP.
Makikita sa bawat lugar, bayan, at siyudad ang sigaw ng mga Pilipino na ang Pilipinas, Duterte pa rin!