Mayo 1, 2025 – Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day, nagsagawa rin ng isang motorcade ang Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement – Isabela Chapter ngayong araw, Mayo 1, sa mga pangunahing kalsada ng lalawigan ng Isabela.
Ang motorcade ay nilahukan ng mga miyembro ng movement at mga taga-suporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy, na tumatakbo bilang senador sa darating na halalan. Ang kaganapan ay itinaguyod upang iparating ang kanilang pagpapahayag ng suporta at ang mga adbokasiyang politikal ni Pastor Quiboloy para sa bansa.
Bilang bahagi ng kanilang outreach campaign, ang motorcade ay dumaan sa mga pangunahing bayan at mga barangay sa buong Isabela, na isang paraan upang magbigay-pugay sa mga manggagawa at palaganapin ang mga plataporma ni Pastor Quiboloy sa mga botante sa lalawigan.