GINAWARAN ng United Nations-Intergovernmental Organizations (UN-IGO) si Pastor Apollo C. Quiboloy ng samu’t saring academic awards at recognitions sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Davao City ngayong araw, Hulyo 20.
Kabilang na rito ang Honorary Doctorate o bilang Doctor ‘Honoris Causa, isang extra-ordinary academic degree sa isang indibidwal na nararapat na bigyan nito.
Ito ay base sa rekomendasyon ng National Academy of Security and Defense Planning (NASDP) ng Romania at Global Eagle University (GEU) ng United States of America.
Ang NASDP ay accredited ng European Mission at UN-IGO.
Binigyan si Pastor Apollo ng NASDP at GEU ng diploma bilang Doctor of Philosophy in Public Service (Honoris Causa) at Doctor of Philosophy in Humanities (Honoris Causa).
Nakatanggap din si Pastor Apollo ng Medal of Excellence at Presidential Medal of Excellence mula sa NASDP at ginawang bagong Ambassador ng UN-IGO.
Ginawaran din si Pastor Apollo ng UN-IGO ng Plaque of Recognition dahil sa sinserong commitment nito sa inter-faith harmony, gender-equality, peace, justice at sa pagsuporta sa sustainable development goals ng UN sa Pilipinas.
Tinanggap din ni Pastor Apollo mula sa UN-IGO ang Police Merit of Excellence.
Samantala, maging ang International Counter Terrorism Center ay nagbigay naman ng certification of accreditation, ICTC Service Medal for Humanitarian Service at Honorary Appointment bilang Humanitarian Ambassador to the Philippines.
Bilang Hinirang na Anak ng Diyos, tumanggap din si Pastor Apollo ng award na World Missionary Chaplain bilang Chaplain Brigadier General, pinakamataas na award na binibigay sa US military.
Hindi rin nakalimutan ng International Special Court and Human Rights Court si Pastor Apollo na bigyan ng Plaque of Recognition sa Sonshine Media Network International na pinamumunuan ni Pastor Apollo na nagbibigay ng makabuluhan at tamang impormasyon sa buong mundo at Messenger of Peace Plaque dahil sa adbokasiya kontra insurhensiya.
Magugunitang, napakaraming adbokasiya ang isinulong ni Pastor Apollo sa pasimula pa lamang ng kanyang paglilingkod sa Diyos para sa Pilipinas at sa buong mundo.
Hindi maikakaila ang pagtulong na ginagawa ni Pastor Apollo sa mga bata, sa mga mahihirap, sa kalikasan at sa pagsulong ng totoong kalayaan at kapayapaan laban sa rebeldeng New People’s Army.
Bukod pa rito, hindi rin nakalilimutan ni Pastor Apollo na tumulong sa mga sinalanta ng mga bagyo at iba pang kalamidad.
Si Pastor Apollo ay walang ibang isinusulong kundi ang katotohanan lamang na magpapalaya sa mundong nababalot ng kasinungalingan.