Pastor Apollo C. Quiboloy isusulong ang ‘God-first’ na pamumuno sa Senado—Ako OFW Party-list

Pastor Apollo C. Quiboloy isusulong ang ‘God-first’ na pamumuno sa Senado—Ako OFW Party-list

SUPORTADO ng Ako OFW Party-list ang kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador. Naniniwala ang ilang nominees ng Ako OFW na si Pastor Quiboloy ay hindi lamang isang lider ng pananampalataya kundi isang epektibong tagapamuno na maaaring magdulot ng positibong pagbabago sa Senado.

Ayon kay Atty. David Castillon, ang tagumpay ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na itinatag ni Pastor Quiboloy ay patunay ng kaniyang husay bilang lider.

“In fact, kung hindi siya maayos na leader, baka wala iyang naitayo kahit isang kapilya iyan eh. And that is the best proof na mayroon siyang nagagawa kasi in his way para pangunahan niya ‘yung kaniyang congregation, nakita mo kung gaano ka prosperous ito. At hindi naman iyan sinolo. Nagtayo siya ng school at maraming napaaral. Maraming natulungan. May sariling resources. Hindi niya kinuha ang pera para angkinin at nagpakasasa siya. It was shared to the community,” wika ni Atty. David Castillon, 2nd Nominee, Ako OFW Party-list.

Naniniwala si Castillon na ang Butihing Pastor ay may kakayahang magdulot ng makabuluhang pagbabago sa Senado.

“I really believe that Pastor Quiboloy will do something which is significant for our country especially for a better change,” dagdag ni Castillon.

Samantala, ayon naman kay Marcia Sadicon, isa pang nominado ng Ako OFW Party-list, may angking talino at matatag na pananaw si Pastor Quiboloy na magagamit sa pagsulong ng nation-building.

Dagdag pa niya, hindi maaaring maging isang epektibong nation-builder ang isang taong makasarili, kaya’t naniniwala siyang magiging game changer ang Butihing Pastor sa Senado.

“I’m looking forward because isa siyang pastor. Isa siyang taong sabihin natin may maayos na… he has this wisdom. He is into nation-building. You cannot build a nation, you cannot be an agent of nation-building if you are self-absorbed. And I believe he can be a game changer in the Senate,” ayon kay Marcia Sadicon, 3rd Nominee, Ako OFW Party-list.

Umaasa rin siya na madadala ni Pastor Quiboloy ang kaniyang espiritwalidad sa Senado, lalo na sa mga senador na matagal na sa posisyon.

Para kay Sadicon, naniniwala siyang maisusulong ng Butihing Pastor ang isang “God-first” na prinsipyo sa Senado at maging sa Kongreso.

“With Pastor Quiboloy he has already this spirituality I believe. So, he can be a game changer. And hoping he can be emulated and he will be listened to,” ani Sadicon.

“It would not be very difficult for him to be a game changer. Put God first among the senators and hopefully even in the Congress,” giit nito.

Sa pagpasok ng panibagong yugto ng politika, umaasa ang Ako OFW Party-list na mas maraming lider ang magbibigay-halaga sa pananampalataya at kaunlaran para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Follow SMNI NEWS on Twitter