PORMAL na inanunsyo sa ginanap na ‘Duterte Senatorial Candidates National Coordination Meeting’ nitong nagdaang Enero 30, 2025 ang pag-adopt kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng PDP Laban bilang kandidato ng partido sa 2025 senatorial election.
Makakasama ni Pastor Apollo Quiboloy sina Atty. Raul Lambino, Atty. Jayvee Hinlo, Atty. Jimmy Bondoc, Senator Bato Dela Rosa, Senator Bong Go, Philip Salvador, at Cong. Rodante Marcoleta na ibandera ang lideratong may tunay na #TapangAtMalasakit sa bansa at sa mamamayang Pilipino.