Pastor Apollo C. Quiboloy, mariing kinokondena ang pag-ambush ng CTG sa 2 sundalo sa Abra

Pastor Apollo C. Quiboloy, mariing kinokondena ang pag-ambush ng CTG sa 2 sundalo sa Abra

MARIING kinokondena ni  Pastor Apollo C. Quiboloy ang pananambang ng itinuturing nitong ‘ahas’ na NPA sa mga sundalong tutulong sana sa disaster response sa Abra matapos ang pagyanig ng lindol kamakailan lang.

Matatandaan na dalawang sundalo ang nasawi dahil sa naturang pag-ambush ng NPA.

Samantala, nagpahayag naman ang butihing Pastor ng pagmamahal sa mga makabagong bayani ng bansa, ang mga sundalo.

Ani Pastor Apollo, mahal nito ang kasundaluhan dahil iniaalay ng mga ito ang kanilang buhay para sa bayan.

Samantala, tinawag naman ni Pastor Apollo ang mga ahas na Communist Terrorist Groups na mga duwag at traydor.

Binigyang-diin din ni Pastor Apollo na dahil sa mga kagagawan ng CPP-NPA-NDF, ay mas lalong lalalim ang galit ng mamamayang Pilipino sa kanila.

Kaugnay nito, kinuwestiyon ni Pastor Apollo ang tila pagiging tahimik ng Commision on Human Rights at National Security Council hinggil sa insidente.

Ani Pastor Apollo, dapat ang mga ito ang unang magsalita lalo na’t ang mga nasawing sundalo ay hindi naman ‘in-combat mode’ kundi nasa ‘humanitarian-mode’ lamang.

Samantala, nauna nang sinabi ni Pastor Apollo na kung mahina ang pamahalaan sa pagkondena sa karahasan ng ahas na CPP-NPA-NDF sa bansa ay siya mismo ang kokondena sa teroristang grupo hanggang sa tuluyan nang mapabagsak at matuldukan ang mga ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter