Pastor Apollo C. Quiboloy, mas minamahal ng taumbayan – Atty. Torreon

Pastor Apollo C. Quiboloy, mas minamahal ng taumbayan – Atty. Torreon

“Mas minamahal na ngayon si Pastor Quiboloy ng sambayanang Pilipino.”

Ito ang naging pahayag ni Atty. Israelito Torreon, tagapagsalita ni Pastor Apollo C. Quiboloy, kasunod ng matagumpay na pagtanggap ng publiko sa isinagawang DuterTEN Grand Campaign Rally sa Sogod, Southern Leyte noong Miyerkules, Abril 23.

Ayon kay Atty. Torreon, patunay ang masiglang suporta ng mga Leyteño na unti-unti nang nauunawaan ng sambayanan ang katotohanan sa likod ng mga paratang laban sa butihing Pastor.

“Ipinapakita lamang ng taumbayan na hindi sila basta-basta naniniwala sa paninira. Mas minamahal na nila ngayon si Pastor Apollo dahil sa kanyang malasakit, pagtulong, at paninindigan,” ani Torreon.

Habang humaharap sa mga batikos at isyu, iginiit ng kampo ni Pastor Quiboloy na patuloy silang maglilingkod at hindi matitinag ng anumang political maneuvering.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter