MAY nakahandang solusyon si Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy upang matugunan ang matagal nang hinaing ng mga manggagawa tungkol sa mababang sahod sa Pilipinas.
Sa ngayon, umiiral ang Wage Rationalization Act na nagtatakda ng minimum wage rates sa Pilipinas at ang Salary Standardization Law na nagtatakda ng mga pamantayan para sa sahod at benepisyo ng mga kawani ng gobyerno.
Sa Proclamation Rally ni Pastor Apollo C. Quiboloy kamakailan, sa pamamagitan ng video message, ibinahagi ng Butihing Pastor ang kaniyang panukalang Living Wage Act na magbibigay ng tamang sahod sa mga manggagawa at kawani ng gobyerno.
Sa ilalim nito, ipatutupad ang unti-unting pagtaas ng sahod sa lahat ng rehiyon at sisiguruhing magkakaroon ng taunang adjustment sa sahod batay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at antas ng pamumuhay sa bawat rehiyon.
Aniya, ang sistemang ito ay magbibigay-daan para sa mas maayos na pagsasaayos ng mga negosyante sa sahod nang hindi maaapektuhan ang kanilang operasyon.
Pastor, paano niyo po tutugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa na may mababang sahod nang hindi naaapektuhan ang mga negosyante?
‘’Yan ang pinaka-ideal na sweldo na naaayon sa ating mga bilihin. Kasi ‘yung price commodities natin, sinusunod natin upang naman, ang mga manggagawa at ang negosyo ay hindi naman talaga malulugi, no? At ‘yung manggagawa rin, ay they can afford the living cost of their needs,’’ ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Kabilang din sa panukalang ito ang National Living Wage, Regular Wage Reviews pati na rin ang pagpapalakas sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards upang masigurong angkop ang pagtaas ng sahod sa bawat rehiyon.
Recommendations for Increasing Laborers’ Salaries in the Philippines:
-Implement a Gradual National Minimum Wage Increase
-Establish a National Living Wage
-Regular Wage Reviews
-Strengthen the Regional Wage Boards Proposal
‘’Yun kasi ‘yung dapat na habulin natin, ay ‘yung pabago-bagong standard ng buhay ng tao ayon sa merkado, ayon sa pamilihan, at ayon na rin sa–konektado na rin sa tinatawag nating langis, no,’’ saad nito.
Binigyang-diin din ni Pastor Quiboloy ang kahalagahan ng training programs para mapataas ang kasanayan ng mga manggagawa, pati na rin ang pagbibigay ng incentives sa mga kompanya o negosyo na magpapatupad ng mas mataas na sahod sa kanilang mga empleyado.
Nagpahayag din siya ng suporta para sa maliliit na negosyo, na nahihirapang magtaas ng sahod. Kabilang sa kaniyang panukala ang pautang na mababa ang interes upang matulungan ang mga ito.
Recommendations for Increasing Laborers’ Salaries in the Philippines:
-Enhance Labor Productivity Programs
-Tax Incentives for Employers
-Support for Small Businesses
Kasama sa kaniyang mga panukala ang Public Awareness Campaigns para malaman ng mga employer at mga empleyado ang benepisyo ng fair wages.
Upang matiyak na magiging epektibo ang mga hakbang na ito, sinabi ni Pastor Quiboloy na magtataguyod siya ng Legislative Action for a Living Wage, kung saan magpapataw ng multa para sa mga hindi susunod sa mga living wage requirements.
Magkakaroon din ng monitoring sa Inflation at Cost of Living Adjustments upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo at masigurong maabot ng mga manggagawa ang kanilang pangangailangan sa buhay.
Recommendations for Increasing Laborers’ Salaries in the Philippines:
-Public Awareness Campaigns
-Legislative Action for a Living Wage
-Monitor Inflation and Cost of Living Adjustments
‘’There should be a symbiotic relationship between capital and labor. ‘Yun ang binabalanse natin dito upang hindi malugi ‘yung capital at hindi naman maghihikahos ‘yung mga nagbabanat-buto na manggagawa,’’ ayon sa Butihing Pastor.
Mababatid na kamakailan ay inaprubahan ng House Committee on Labor and Employment ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng ₱200 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Gayunpaman, ilang negosyante ang nagpakita ng pangamba kaugnay rito.