Pastor Apollo C. Quiboloy nanawagan ng full manual recount ng mga boto

Pastor Apollo C. Quiboloy nanawagan ng full manual recount ng mga boto

PAGDATING pa lang ng mga botante sa kani-kanilang presinto noong Mayo 12, ramdam na ang tensiyon at pagkabahala sa sistema ng pagboto.

Maaga pa lamang ay may mga makinang nag-malfunction, may mga balotang hindi mabasa, at ilang botante ang nagreklamo na hindi tumutugma ang mga resibo sa kanilang aktuwal na binoto.

Isa sa kanila si Mercidita Palma na ang pananabik na makaboto ay napalitan ng matinding pangamba at pagdududa.

Hindi lamang mga aberya sa pagboto ang nagdulot ng pagdududa sa resulta ng halalan. May mga ulat din ng mga boto na hindi umano nabibilang, mga kandidatong nawala sa Magic 12, at mga kandidatong tila milagrosong nakapasok.

Ang mga insidenteng ito ay lalong nagpalakas sa panawagan para sa transparency sa bilangan.

Isang matapang na panawagan ang binitiwan ni Pastor Apollo C. Quiboloy—tiyakin ang integridad ng halalan.

Sa post ni Atty. Israelito Torreon, tagapagsalita ni Pastor Apollo, binigyang-diin nito ang pangangailangan ng full manual recount upang mawala ang agam-agam sa resulta.

Aniya, hindi biro ang mga reklamong natanggap—mula sa mga makinang pumalya, resibong hindi tugma sa binoto, at mga botong tila naglaho.

Paliwanag ni Atty. Torreon, malinaw sa Section 31 ng Republic Act 9369 na ang pagbibilang ng boto ay dapat na nakikita ng publiko upang mapanatili ang tiwala sa proseso.

Aniya, dapat gamitin ng COMELEC ang kanilang moto proprio powers upang magsagawa ng manual recount para mawala ang pagdududa ng publiko.

“Kaya nga, we want to place this in proper legal perspective. Sa karami po ng complaint, ay gusto sana ni Pastor na iinvoke ang moto proprio powers ng COMELEC,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon, Tagapagsalita ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ipinunto rin ni Atty. Torreon na hindi kailangan ng pormal na petisyon upang magsagawa ng manual recount.

Aniya, nakasaad sa batas—Section 31 ng RA 9369—ang mano-manong bilangan sa presinto, ngunit hayagang binalewala ito ng COMELEC.

“We respectfully disagree with COMELEC’s statement that a formal petition is necessary to trigger a manual recount.”

“First of all, a manual counting of votes in the precinct level is supposedly expressly mandated by law, specifically Section 31 of RA 9369 or the Election Automation Law; Yet the same was wantonly disregarded by the COMELEC.”

“There is no harm if we apply by analogy the said law in ordering a manual recount of votes in the light of numerous complaints aired in the recently concluded elections. We are simply invoking the law,” saad ni Atty. Torreon.

Ayon kay Atty. Torreon, malinaw ang mensahe ni Pastor Apollo: ang boto ay sagrado at dapat igalang.

“Ang boto po ay sagrado, ‘yung power natin kahapon to choose our leader only happens once in 3 years for local officials and once in 6 years for national officials.”

“Hindi takot si Pastor na matalo, pero may enough basis po siya na bakit po mag-request siya ng manual counting kasi po ‘yun po ang nasa batas, sa precinct level pero hindi nasunod. And then para mawala ‘yung agam-agam ng taumbayan, dapat nating gawain ‘yon kaya para ma-determine talaga natin kung ano ang tunay na resulta, gusto talaga natin ng tunay na resulta,” giit nito.

Dagdag pa niya, ang panawagan ay hindi lang para sa kaniya kundi para sa bawat Pilipinong botante.

Isang hamon ngayon ang ipinaabot ni Pastor Apollo sa COMELEC—ipakita ang transparency. Aniya, isang manual recount ang hinihingi ng sambayanan upang mapanumbalik ang tiwala sa halalan.

Umaasa ang marami na diringgin ang panawagan ng Butihing Pastor para sa mas malinaw at malinis na halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble