Pastor Apollo C. Quiboloy sa CTGs: Hindi namin kayo tatantanan

Pastor Apollo C. Quiboloy sa CTGs: Hindi namin kayo tatantanan

WALANG planong tantanan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga komunistang teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa bansa.

Pabagsak na ang mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF, kaya naman hindi na hihinto pa ang laban upang sila’y tuluyang dumapa.

Ito ang paninindigan ni Pastor Apollo na kaniyang inihayag sa kaniyang programang Powerline nitong Hunyo 2.

“You are crumbling down. CPP-NPA-NDF, hindi namin kayo tatantanan hanggang ang katapusan sa inyo either mamatay or sumurrender at kayong mga nasa Kongreso, nasa Senado o saan pa mang mga ahensiya ng gobyerno, hindi rin namin kayo tatantanan,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Kaya naman, kasunod ng balitang nagmamayabang umano ang makakaliwang kongresista na si Raoul Manuel ng Kabataan Party-list dahil sa pagtatayo nito ng iba’t ibang chapter sa buong Pilipinas, hindi napigilan ni Pastor Apollo na kwestyunin ito.

“Iyang sinasabi mong maglilibot ka na ng mga unibersidad, ng mga high school, ng mga colleges, ano ang pakay mo? Mang-recruit di ba? Saan pumupunta ang recruit na mga kabataan na nare-recruit mo? Mayroon kaming mga records niyan—sa NPA. Namamatay sila. Pagkatapos, umiiyak kayo at sasabihing ‘red-tagging, nagdedelikado ang buhay namin.’ Nagpapabiktima kayo. Kayo ang namimiktima pagkatapos kayo pa ang mayroong apdo sa Ingles pa, you have the gall to call yourself like victims?” dagdag ni Pastor Apollo.

Matatandaang ilang beses nang isiniwalat ng dating mga kadre ang pagiging prente ng Kabataan Party-list sa Kongreso.

Kabataan Rep. Raoul Manuel, hinamon na kundenahin ang CPP-NPA-NDF

Ilang kabataang NPA na rin ang nasawi na nagmula sa Kabataan Party-list. Kaya naman may hamon si Pastor Apollo kay Manuel:

“You took oath as a congressman to protect the Constitution of the country and to protect the country in general. Ngayon, ang number 1 kalaban ng ating bansa ay ang CPP-NPA-NDF.  Hinahamon kita Raoul Manuel kung may bayag ka. I-declare mo na terorista ang CPP-NPA-NDF tulad ng dineclare ng gobyerno at ng iba pang mga bansa,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Taong 2020 nang ideklara ang CPP-NPA bilang teroristang organisasyon ng Anti-Terrorism Council at sa kasunod na taon naman ang NDF wing nito.

Una na ring kinilala ng Estados Unidos, European Union, Australia, United Kingdom, New Zealand at iba pang bansa na isang teroristang organisasyon ang CPP-NPA.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter