TAGAPAGTANGGOL ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ito ang binigyang-diin ni Sen. Robinhood Padilla sa isinagawang “Ayusin Natin ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally sa Sogod, Southern Leyte nitong Miyerkules, Abril 23, 2025.
Makikita rin aniya ang katapatan ng Butihing Pastor dahil kahit nakakulong na ay hindi pa makuhang mag-traydor o magsalita laban sa dating Pangulo.
Nilinaw naman ni Sen. Padilla na sa mga kasong inihain laban kay Pastor Apollo, ni isa rito ay walang napatunayan.
Marami nang nagsasabi na ‘politically-motivated’ lang ang nangyari sa Butihing Pastor.