Pastor Apollo namahagi ng pagkain sa mga ‘homeless’ sa Spain

Pastor Apollo namahagi ng pagkain sa mga ‘homeless’ sa Spain

WALANG malapit o malayo pagdating sa pagbibigay ng tulong para sa mga nangangailangan lalong-lalo na ngayong nasa gitna tayo ng pandemya.

Ngayong panahon ng pandemya marami din sa apektado at higit na mataas ang tsansang mahawa sa sakit ang mga walang matirahan at nasa kalsada lang natutulog.

Maituturing man na isa sa mayayamang bansa sa mundo ang bansang Spain pero kasama sa realidad na kanilang kinakaharap ang pagkakaroon ng homeless.

Isa sa mandato na ibinigay ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang maipalaganap ang kabutihan at maiparamdam ang pag-ibig ng Amang Makapangyarihan sa lahat sa pamamagitan ng mabubuting gawain.

(BASAHIN: Suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy at SMNI, bumuhos matapos siraan ng isang malisyosong post sa social media)

Agad na kumilos ang mga volunteers ng butihing Pastor pati na rin ang mga news correspondents ng Sonshine Media Network International na naka-base sa Spain.

Namahagi ng pagkain para sa mga homeless sa Spain ang mga volunteers ni Pastor Apollo katuwang ang SMNI Foundation Inc.

Wala sa kulay ng balat, lengwahe na alam mo, estado sa buhay, relihiyon o prinsipyo sa buhay para limitahan ang pagtulong mo sa kapwa.

Maliit na bagay man maituturing ang mga natanggap nilang tulong pero ang pagpaparamdam sa kanila ang malasakit at pagmamahal na walang kapalit ay magpakailanman maiuukit sa kanilang puso at isipan.

Ikaw ba ay natutuwa sa mga ganitong klaseng gawain at nais makiisa?

Maaari mong ipadala ang iyong tulong sa bank account ng SMNI Foundation Inc. sa account number 00-217-000962-6 o sa mga address na ito:

Metro Manila: ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City

Davao City: Sonshine Media Network International, Philippine-Japan Friendship Highway, Sasa, Davao City

Para sa mga katanungan kontakin lamang ang SMNI Foundation Inc. sa +63936-947-2287.

(BASAHIN: Pastor Apollo C. Quiboloy, namahagi ng mga motorsiklo ilang araw bago ang kanyang kaarawan)

SMNI NEWS