PABOR si Pastor Apollo C. Quiboloy na iparegulate sa MTRCB ang mga online at video games.
Binigyang-diin din ni Pastor Apollo na dapat nang i-ban ang pornography sa bansa.
Dahil sa masamang epekto ng mga malalaswang videos at pictures sa kabataan, isinusulong ni Pastor Apollo na dapat nang alisin ang pornography sa bansa.
Suportado naman ni Pastor Apollo ang panukalang batas ni Senador Win Gatchalian na iparegulate sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga video at online games.
Ito ang nakapaloob sa kanyang Senate Bill 1063 o ang ‘Video and Online Games and Outdoor Media Regulation Act.’
Kung magiging ganap na batas, bibigyan ng MTRCB ng mga sumusunod na rating ang video games:
- “G” o For General Patronage (pwede sa lahat ng edad)
- “P” o Parental Guidance Suggested
- “R” o Restricted (para lang sa may edad)
- “X” o Not for Public Viewing
Ipinagbabawal din ng panukalang batas ni Gatchalian ang mga pagbebenta ng anumang video game na may rating na “Adults Only” mula sa MTRCB.
Pagbabawalan din ang mga menor de edad na bumili at tumanggap ng mga larong may rating na “Adults Only.”
Pagbibigay-diin din ni Pastor Apollo na mas dapat na i-regulate o i-ban ang mga nakikita o napapanood sa internet tulad na lamang ng pornography lalo’t nakasisira aniya ito sa mga kabataan.
Paliwanag ng butihing Pastor, nai-regulate na ito sa ibang mga bansa tulad ng Singapore at sa Middle East.
“Nai-regulate nila, bakit di natin ma-regulate. It is destroying the moral fiber of our youth, of our people in general. Bakit natin hahayaan na mangyari iyon? And we have the power to do it. Kailangan nga i-ban talaga iyan. Alisin nga talaga sa internet yung mga ganiyan. Hindi dapat masira ang utak ng mga kabataan not only with drugs. But this one is destroying the minds of our youth. Pornography is a poison,” ayon sa butihing Pastor.
Ayon pa kay Pastor Apollo na kung sira na ang utak ng mga tao, hindi na sila mapakikinabangan.
Dagdag pa ng butihing Pastor na magagawa lamang itong mawaksi sa utak ng mga tao sa pamamagitan ng salita ng mga Diyos.
“By the help of God. By the help of our Lord na tutulong sa atin. Kung wala naman talaga siya, without Him we can do nothing,” saad ni Pastor Apollo.
Samantala, mas paiigtingin pa ni Pastor Apollo ang mga hakbang nito upang mapukaw ang kamalayan ng taumbayan lalo na sa mga kabataan na magkaroon ng pagmamahal sa bayan.
Ito ay upang tuluyang mapuksa aniya ang mga salot ng bansa tulad ng droga at mga komunistang teroristang grupo.
Pangungunahan ito ani Pastor Apollo ng Keeper’s Club International na sa ngayon ay ginagawa na ang mandato ng butihing Pastor para sa mga kapakanan ng mga kabataan.
“Kung passionate itong mga damong panira sa pagsira at sa pagkakalat ng kanilang poison, i-counter natin yun, doble pa ang passion natin para sa ating bansa,” saad nito.
“We will counter that with what we’ve been advocating like yung pagmamahal sa ating bansa at yung pagtatanggol sa ating bansa. At yung pangingibabaw ng pag-ibig sa ating bansa na tumulong. We can spread that,” ayon sa butihing Pastor.