Pastor Apollo pinasalamatan ang supporters na naniniwala sa kaniyang adbokasiya

Pastor Apollo pinasalamatan ang supporters na naniniwala sa kaniyang adbokasiya

LUBOS na pinasalamatan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang lahat ng mga Pilipinong bumoto at sumuporta sa kaniya sa nagdaang 2025 midterm elections.

Sa pahayag ng spokesperson nito na si Atty. Israelito Torreon, sinabi ng Butihing Pastor na nakakaantig ng puso ang dedikasyon at paniniwala ng mga Pilipino sa kaniyang adbokasiya para sa katotohanan, hustisya at pananagutan.

Hinggil naman sa iba’t ibang isyu na lumutang kaugnay sa halalan, ipinanawagan na rin ni Pastor Apollo ang full manual recounting ng senatorial votes.

Nilinaw ng Butihing Pastor na hindi pagpapakita ng pagtanggi sa demokratikong proseso ang kaniyang panawagan kundi pagpapalakas nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble