Pastor Apollo Quiboloy isa sa mga nangunguna sa pinakabagong pa-survey ng Archlight

Pastor Apollo Quiboloy isa sa mga nangunguna sa pinakabagong pa-survey ng Archlight

BATAY sa pinakabagong survey ng Archlight, pumangalawa si Pastor Apollo Quiboloy sa pagka-senador habang lumilinaw na ang mga posibleng manalo sa Mayo 12.

Mahigit isang linggo na lang ay halalan na, at magkakaroon na ng mga bagong lider ang bansa—mula sa pagka-senador hanggang sa mga lokal na posisyon.

At kung pagbabatayan ang mga pinakabagong survey, unti-unti nang lumilinaw kung sino ang mga posibleng ihahalal ng mga Pilipino sa Mayo 12.

Sa pinakabagong pa-survey ng social media page na Archlight, pumangalawa sa pagka-senador ang KOJC leader na si Pastor Apollo Quiboloy.

Batay sa Facebook post ng Archlight, 810,000 votes ang nalikom nila mula sa lahat ng kanilang platforms, at 64 na kandidato ang pinagpilian mula sa tanong na: “Sino ang iboboto mong senador?”

Base sa survey results, nakakakuha ng 85,921 boto si Pastor Quiboloy, kaya’t lumabas na Top 2 choice ang Butihing Pastor ng mga Pilipino.

Top 1 naman si Senator Go, habang Top 3 si Senator Bato Dela Rosa.

Dahil sa mababang trust ratings ni PBBM, pagbebenta ng murang bigas minadali—Prof. Ranjit Rye

Samantala, ang OCTA Research—na isa sa mga kilalang survey firm sa bansa—ay nagsabing nagkaroon ng decline o pagbaba sa trust ratings ni Bongbong Marcos Jr.

Dala ni Marcos Jr. ang mga kandidato sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

“Syempre sa ating mga kababayan, nakakapagsalita sila sa survey e. Sinasabi nila sa latest trust and approval rating, sinabi nila na Mr. President, bumaba ‘yong tiwala namin sa inyo. Nag-iba po ang paningin namin sa kalidad ng pamumuno ninyo… Sana makinig kayo,” wika ni Professor Ranjit Rye, OCTA Research.

Dahil nga rin umano sa mababang trust ratings ng Pangulo, kaya minadali ang pagbebenta ng murang bigas.

Ngayong araw, inilunsad na ang bentahan ng P20 na bigas sa Visayas—mahigit isang linggo bago ang halalan, sa panahong kritikal para sa mga kandidatong kanilang isinusulong.

“Mayroong decline. Tingnan mo ‘yong bigas, ‘yong subsidy, minadali, kasi talaga ‘yon nga e. Lumalabas na nakikinig ‘yong namumuno natin sa survey,” dagdag ni Professor Rye.

Sa gitna ng kaliwa’t kanang batikos at bumabagsak na tiwala ng publiko, lantaran ang pagmumukha ni Marcos Jr. sa mga sako ng bigas na ibinebenta sa roll out.

Matatandaan na una nang kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte ang ‘kaduda-dudang’ timing ng pagbebenta ng P20 na bigas—lalo’t inilunsad ito sa mga lugar na mahina ang suporta sa Alyansa ni Marcos Jr. Isang hakbang na tila hindi layuning tumulong, kundi suhulan ang taumbayan kapalit ng boto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble