MAY komento si Pastor Apollo C. Quiboloy, founding President ng isang prestihiyosong school institution sa Davao City na Jose Maria College Foundation Inc. (JMCFI) kaugnay sa mungkahing ipa-review ang free college education program.
Maraming kongresista ang pumalag sa mungkahing ipa-review ang free tertiary education program.
Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, mali na ipahinto ang programa na siyang nagbibigay pag-asa sa maraming mahihirap na kabataan.
“I am against the proposal to stop the program because it benefits many poor but deserving high school graduates who cannot otherwise pursue college education without government financial assistance,” pahayag ni Rep. Rufus Rodriguez | Cagayan de Oro City.
Mahigit sa 100 ang State Universities and Colleges (SUCs) sa buong bansa ang covered ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Ngunit para kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, may mga SUCs ang hindi nakokontrol ang recruitment ng mga komunista.
Kaya sa tanong kung dapat bang ihinto ang free college education?
Narito ang sagot ng butihing Pastor.
“Depende iyon sa state university. ‘Yung state university tulad ng UP na hindi nila pinipigilan ang mga makakaliwang grupo na mangrecruit para sa CPP-NPA-NDF, iyon ang dapat kunan ng tuition,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Founding President, JMCFI.
Si Finance Secretary Benjamin Diokno ang nagmungkahi na ipa-review ang Free College Education Program.
Ani Diokno, matagal na itong tutol sa programa kahit noong nasa economic team pa siya ng Duterte administration.
‘Unsustainable’ aniya kasi ang programa at kailangan ng malaking pondo para i-maintain.
Pero sa kabila nito, giit ni Pastor Apollo, ang mga pabayang school institutions na leftist recruitment ang dapat matanggalan ng pondo.
“Pero ‘yung mga state university na pinipigilan ang ganito, binabantayan na hindi makapasok ‘yung mga komunistang grupong sumisira sa kabataan, eh huwag. Kailangan nila iyon,” dagdag ni Pastor Apollo.
Nauna nang dinadahilan ang academic freedom kung bakit hindi masawata ang recruitment ng mga makakaliwa sa mga paaralan.
Pero, halos lahat ng mga naging NPA ay na-recruit sa mga eskwelahan.
At ayon kay Pastor Apollo, naka-depende pa rin sa school management kung ito-tolerate ang mga recruitment.
Basta’t sa JMCFI, walang puwang ang recruitment ng mga komunista.
“Pero ‘yung mga state universities na naging sponsor tapos doon pa nagra-rally, pagkatapos sila pa ang nandodoon na hindi pumipigil sa mga ganitong aktibidad ng mga makakaliwang grupong sumisira sa mga kabataan, eh dapat tanggalin talaga ang tuition niyan. Hindi makatarungan iyan. Depende sa state university pero hindi mo lalahatin,” saad ni Pastor Apollo.
Nasa P51.1-B ang proposed budget para sa free tertiary education sa ilalim ng proposed P5.768-T 2024 national budget.
Sa ngayon, parami nang parami ang mga estudyanteng nag-aaral sa SUCs dahil sa free education program.