IPINAHAYAG ni Sen. Bong Go na si Pastor Quiboloy, isang kilalang charismatic spiritual leader, ay may natatanging leadership qualities na nakatulong sa paglago at tagumpay ng kanyang mga misyon.
“Unang-una, makita niyo po ‘yung pag-organize ng rally na ito, mga tao po ito ni Pastor Quiboloy. Alam niyo, matagal na silang magkaibigan ni Pangulong Duterte, wala pa po ako kay Pangulong Duterte, magkaibigan na po sila. Napaka well organized po nito.
Itong taong ‘to (Pastor Quiboloy), nakalaro ko rin ng basketball-isang charismatic spiritual leader po at may leadership po,” saad ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go, Senatorial Candidate, PDP-Laban.