PARA kay senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy, panahon na para bigyang-prayoridad ang ating mga OFW—mga “Modernong Bayani” na araw-araw nagsasakripisyo para sa bansa.
Kaya isinusulong niya ang maayos na pension system at sapat na legal at medikal na suporta para sa kanila saan mang sulok ng mundo.
Sa kaniyang inilalatag na plataporma, binibigyang-diin ni Pastor Quiboloy ang panukalang OFW Retirement Security Act—isang batas na magtatatag ng mandatory pension system para sa mga OFW.
Sa ilalim ng panukalang ito, hindi lamang ang manggagawa ang mag-aambag, kundi pati ang pamahalaan at mga employer. Isang hakbang itong nakatuon sa pagbibigay ng seguridad, dignidad, at maayos na pagreretiro para sa milyun-milyong Pilipinong nagbubuwis ng pagod sa ibang bansa.
“Lilikha ako ng OFW Retirement Security Act na magtatatag ng isang mandatory pension na may contribution ang gobyerno at employer,” ani Pastor Apollo C. Quiboloy, Senatorial Candidate.
Dagdag pa niya, isusulong niya ang Retirement Saving Program (RSP), na magbibigay ng mga tax incentives para sa mga OFWs. Sa ilalim nito, magkakaroon sila ng tax deductions para sa kanilang kontribusyon at tax benefits kapag sila ay magwi-withdraw ng ipon para sa kanilang pagreretiro.
“Isusulong ko rin ang tinatawag na Retirement Saving Program o RSP kung saan magkakaroon ng tax incentives ang mga OFWs, katulad ng tax deduction para sa kanilang contribution at tax benefits on withdrawals,” dagdag pa ni Pastor Quiboloy.
Hindi lang pensiyon ang nais tutukan ng senatorial candidate. Kabilang din sa kaniyang adbokasiya ang pagsusulong ng batas na magtatakda ng mandatory deployment ng legal at medical attachés sa bawat konsulado at diplomatikong post sa buong mundo.
“Pagsasabatas ng mandatory ng pagtalaga ng legal at medical attachés sa bawat konsulado o diplomatikong post upang may kaagapay ang ating mga OFWs sa panahon ng kagipitan at pangangailangang medikal o legal,” ani Pastor Quiboloy.
Ang mga panukalang ito ay tugon sa mga hinaing ng mga OFW mula sa iba’t ibang panig ng mundo—kabilang na ang kakulangan sa legal assistance, mga kaso ng pang-aabuso, at ang kawalan ng maayos na retirement plan. Ayon sa ilang advocacy groups, malaking tulong ito para sa mga OFW na nais magkaroon ng mas ligtas at planadong pagbabalik-bansa.
Suportado ni Loida Singh, dating lider ng mga OFW sa Qatar, ang mga mungkahi ni Pastor Quiboloy. Aniya, lalo na sa Middle East, maraming OFW ang hindi sapat ang kinikita para makapag-ipon nang maayos.
“So ayos ’yan, kasi ’yan ang mga problema ng mga OFW lalo na sa Middle East. Kasi hindi lahat ng nag-a-abroad na OFW malalaki ang sahod… Para sa akin, mas okay ’yan,” ayon kay Singh.
Maging ang mga OFW sa Japan ay nagpapahayag ng suporta sa mga programang inihain ni Pastor Quiboloy.
“Para sa akin good ’yan… Sa mga OFWs,” ani Michelle Kitakaze.
“Maalagaan nila ’yung health… Madadagdagan ’yung pampadala nila,” dagdag pa niya.
Para naman kay Marcel Uyangorin:
“Isang magandang plataporma ito galing sa ating Pastor… Isang magandang plataporma para sa mga OFWs.”
Sa pamamagitan ng mga programang ito, layunin ni Pastor Apollo Quiboloy na kilalanin at bigyang-pagkalinga ang mga OFW—hindi lamang habang sila ay nasa ibang bansa, kundi higit sa lahat, sa kanilang pagbabalik at pagreretiro sa Pilipinas.