INIREKOMENDA ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na alisin ang Olympian na si EJ Obiena sa national training pool.
Ito’y kasunod ng alegasyon ng umano’y pagwawaldas sa pondo ng manlalaro, bagay na kaniya nang itinanggi.
Ayon sa PATAFA na magsasampa sila ng criminal complaint laban kay Obiena.
Kasama rin sa rekomendasyon ng PATAFA ang paghahain ng reklamo laban sa coach ni Obiena na si Vitaliy Petrov sa World Athletics dahil sa paglabag umano sa Integrity Code of Conduct, pagsibak kay Petrov bilang PATAFA coach, at ideklara ang adviser ni Obiena na si James Lafferty na persona non-grata.
Pero ayon kay Deputy Speaker Rep. Eric Martinez, hindi dapat hinuhusgahan ang atleta at dapat hayaang gumulong ang due process.
Hindi rin daw ganito ang tamang pagtrato sa isang Olympian.
“This is not healthy for EJ, athletics and Philippine Sports for that matter. Coming for a successful Tokyo Olympics he would not need all of this destruction going to the Paris Olympics,” pahayag ni Martinez.
Ayon din kay Martinez, malaking kawalan sa national pool kung pakakawalan ng PATAFA si Obiena lalo na’t ito lamang ngayon ang namamayagpag sa athletics.
“Ah siyempre, that would be the biggest blow for Philippines ah. Sige, sino sa field of athletics ngayon? Sino yung pinaka top player nila? It’s EJ Obiena,” ani Martinez.
Ang rekomendasyon ng PATAFA ay ipadadala sa Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Committee (PSC).
Una rito, idineklara ng POC si PATAFA Chief Philip Juico na persona non grata.
“It’s the association that should get its act together PATAFA maayos yung pag-treat nila sa atleta natin. Alam naman natin yung istorya noong chess natin si Wesley So, Alex Pagulayan and all other athletes na they changed flag and country just to have the kind of training that they need to excel on their field and sana huwag naman umabot doon,” ayon kay Martinez.