Patagong pagsakop ng US sa Ukraine, ibinabalang mangyari din sa Pilipinas sa isyu ng WPS

Patagong pagsakop ng US sa Ukraine, ibinabalang mangyari din sa Pilipinas sa isyu ng WPS

MAY panawagan ngayon ang isang political commentator sa publiko kaugnay ng sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

“There are news in Russia, RT Today that halos lahat ng lupa sa Ukraine ay nabenta na sa mga US company,” ayon kay Jun Abines, Political Commentator.

‘Yan ang inilahad ng political commentator na si Jun Abines sa panayam ng SMNI News sa resulta ng giyera ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Saad niya, Amerika ang totoong nakikinabang sa nasabing digmaan.

Paano?

“Ibig sabihin, lahat ng mga bomba at mga armas na ipinadala doon hindi ‘yun libre—may bayad ‘yun. Kumbaga utang ‘yun. At ang ipambabayad ang lupa ng Ukraine na known as a very fertile and very productive soil, ‘yun land ng Ukraine,” saad ni Abines.

Ang US ang pinakamalaking foreign backer ng Ukraine kaya ito pumasok sa giyera.

Imaheng dala sa pagbisita kamakailan sa Pilipinas ni Ukrainan President Volodymyr Zelenskyy.

Babala ni Abines, kung gagaya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Zelenskyy ay tiyak na magiging Ukraine 2.0 ang Pilipinas.

At sino ang makikinabang?

“Eh anong gagawin ng Amerkano sa Pilipinas? The same pattern! Matagal nang nakikita ng buong mundo ‘yang pattern ng United States eh. Paano nila i-exploit ‘yung mga small countries. And the very example is Ukraine!” dagdag ni Abines.

Sa administrasyong Marcos, lalong nagkaroon ng access sa military bases ng bansa ang mga Amerikano.

US din ang number 1 military ally ng Pilipinas at taunan pa ang joint military exercise.

Sa ilalim ‘yan ng Mutual Defense Treaty natin sa American government.

“Tapos tayo Pilipino, tatanga-tanga tayo? Eh, meron nang example na Ukraine tapos papuntahin pa natin si Zelenskyy? No! We, the Filipino people must wake up. It is our duty to speak our hearts and mind para pigilan ang pagwa-war mongering ni BBM,” ayon pa kay Abines.

May mensahe naman si Abines sa publiko lalo pa’t lumalabas ngayon na pinipigilan ng administrasyon ang mga aktibidad na nagpapahayag ng pagtutol sa mga polisiya ng gobyerno.

Habang hindi pa huli ang lahat at maaari pang pigilan ang nakaambang digmaan.

At ang tanging paraan ani Abines ay palitan ang mga nakaupo.

Abines sa Publiko: Tumindig laban sa mga kamalian sa gobyerno gaya ni Jose Rizal

“Tayong mga Pilipino, ang hilig natin sa movie tapos drama. And everytime may matapang, may mga bida na lumalaban sa matinding kalaban iniidolo natin. Pero sa real life, we are selfish. Kung iniidolo natin dati si Andres Bonifacio o Jose Rizal, kasi nga inaapi sila, pareho lang tayo—inaapi tayo ngayon ng administration natin. Kaya nga kung idolo mo si Rizal or anybody na bida ng isang pelikula, it’s our time to live that iniidolo natin. It’s our time to express it in our individual lives. Now is the time!” ani Abines.

Follow SMNI NEWS on Twitter