Patrick Coo, nakapag-uwi ng silver medal sa Indonesia BMX 2023

Patrick Coo, nakapag-uwi ng silver medal sa Indonesia BMX 2023

NAKAPAG-uwi si Patrick Coo ng silver medal sa Indonesia BMX 20023 Round 1 sa Polunas International BMX Center upang simulan ang kampanya nitong mag-qualify para sa Paris Olympics.

Nakuha ni Gusti Bagus Saputra ng Indonesia ang gintong medalya na nagtapos ng 33.919 seconds na sinundan ni Coo na nahuli lamang ng .20 seconds at isa pang Indonesian na si Rio Akbar ang nakapag-uwi ng bronze medal sa oras na 34.346 seconds.

Ang Filipino-American na si Coo na tubong Iloilo ay umaasang makapasok para sa Summer Games sa Paris sa susunod na taon kasama ang beteranong cyclist si Daniel Caluag.

Nakakuha si Coo ng 86 International Cycling Union points at susunod itong sasabak sa Thailand BMX Cup 2 sa March 19 na isa rin sa karerang mayroong ranking points gaya ng sa Indonesia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter