ITINANGHAL na ‘Most Valuable Player’ ang quarter back ng Kansas City Chiefs na si Patrick Mahomes matapos pangunahan ang kaniyang koponan sa kanilang laro kontra San Francisco 49ers sa score na 25-22.
Sa pangalawang bahagi ng kanilang laro kontra 49ers, natambakan ang Chiefs dahil tatlong puntos lamang ang iskor nito habang 10 ang nakuha ng 49ers.
Ngunit nakabawi rin naman sila pagdating ng 3rd quarter hanggang 4th quarter maging sa overtime game.
Ito na ang pangatlong pagkakataon na naging MVP si Mahomes sa National Football League (NFL) Super Bowl sa loob lamang ng anim na taon matapos maipasok sa draft noong 2017.
Ang nabanggit na laban ng dalawang koponan ay ginanap sa Las Vegas, Nevada, February 11 USA time o February 12, Philippine time.