TUMANGGI si Vice President Sara Duterte na sagutin ang mga batikos ni Tingog Party-List Representative Jude Acidre kaugnay sa kaniyang kinakaharap na impeachment trial.
Aniya, hindi siya magpapaliwanag sa kung tawagin na mga ‘tauhan’ ni House Speaker Martin Romualdez dahil kasalukuyang may petisyon siya sa Korte Suprema laban sa impeachment process.
Matatandaan na noong Abril 22, 2025, binatikos ni Acidre si VP Sara.
Ito’y dahil sa sinabi ng mga abogado ng Pangalawang Pangulo na kumpiyansa silang mapawalang-sala sa kasong impeachment si VP Sara.
Samantala, ayon pa kay VP Sara, naniniwala siyang si Romualdez lang din ang nasa likod ng hakbang na ito ng kongresista.
Kaugnay nito, nanawagan na rin si Duterte sa publiko na huwag iboto ang Tingog Party-List sa darating na Mayo 12 Midterm Elections.
Follow SMNI News on Rumble