Paunang 20K automated counting machines para sa 2025 elections, darating na sa Agosto—COMELEC

Paunang 20K automated counting machines para sa 2025 elections, darating na sa Agosto—COMELEC

POSIBLENG darating sa Pilipinas ngayong Agosto ang inisyal na 20K automated counting machines mula sa South Korean firm na Miru Systems.

Gagamitin ang mga ito sa 2025 midterm polls.

Bago rin matapos ang taon ay inaasahan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia na maipadala na ang kabuuang 110K na automated counting machines na kinakailangan sa eleksiyon.

Noong buwan ng Marso nang lumagda ang COMELEC at Miru ng isang P17.99-B contract para sa procurement ng bagong automated election system.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble