PBA Commissioner’s Cup Finals kasado na

PBA Commissioner’s Cup Finals kasado na

AARANGKADA na sa susunod na linggo ang finals series ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup matapos magwagi sa kani-kanilang semifinals series ang Barangay Ginebra San Miguel at TNT Tropang Giga.

Unang pumasok sa finals ang TNT matapos payukuin sa dikit na laban ang Rain or Shine Elasto Painters sa Game 5 ng kanilang serye, 97-92.

Malaking tulong sa panalo ng Tropang Giga si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng game-high 42 points, 11 rebounds, at 4 assists, habang nag-ambag ng tig-12 points sina Calvin Oftana at Rey Nambatac.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble