MATAPOS ang ilang dekada ay magbabalik muli sa Rizal Memorial Coliseum ang PBA para sa isa na namang umaatikabong laban ng ilan sa mga koponan nito.
Ayon sa anunsyo, ang laro ng Blackwater Bossing vs Terrafirma Dyip at Converge Fiberxers vs Magnolia Hotshots ngayong Sabado, March 16 ay gaganapin sa nabanggit na Coliseum.
1980’s pa nang huling magkaroon ang PBA ng game sa nasabing stadium.
Samantala, magsasagawa rin ang PBA ng laro sa kalapit na Ninoy Aquino Stadium na kung matatandaan ay ginamit na sa 2023 FIBA Basketball World Cup.