PBBM at FL Liza, patuloy na nakararanas ng flu-like symptoms

PBBM at FL Liza, patuloy na nakararanas ng flu-like symptoms

PATULOY na nakakaranas ng flu-like symptoms sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ngunit may improvements na.

Ito ang iniulat ng Presidential Communications Office (PCO) nitong hapon ng Huwebes.

Saad pa ng PCO, pinapayuhan ng doktor ang dalawa na ipagpatuloy ang medikasyon, pahinga, at hydration para sa ganap na paggaling.

Ibinahagi naman ng Malacañang na ang Pangulo ay patuloy na nagtatrabaho sa kaniyang tirahan.

Inaasahan ni Marcos na ipagpatuloy ang public engagements sa lalong madaling panahon kung pahihintulutan na ng kaniyang physician.

Una nang inihayag ng PCO na dahil sa sunud-sunod na foreign trips, kaya nakararanas ngayon ng flu-like symptoms ang dalawa.

Kaugnay rito, kinansela ang mga nakatakda sanang iskedyul ni Marcos Jr. sa natitirang araw sa linggong ito.

Kabilang dito ang dadaluhan sanang 127th Founding Anniversary Celebration ng Philippine Army sa Biyernes at ang Presidential Luncheon ng Foreign Correspondents’ Association of the Philippines (FOCAP) nitong araw ng Huwebes.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang PCO sa FOCAP Board upang i-reschedule ang naturang event.

Noong hapon ng Miyerkules naman, bigo ring makadalo si Marcos Jr. sa isang event sa Quezon City dahil sa “urgent matters,” ayon sa PCO.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble