PINARANGALAN si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. at kanyang asawa na si First Lady Liza Araneta-Marcos sa Singapore sa pamamagitan ng isang ceremonial orchid naming.
Isinagawa ang seremonya sa Singapore Botanic Garden, National Parks at ito ang kauna-unahang aktibidad sa pagbisita ni PBBM sa nasabing bansa.
Ang pagpapangalan ng orchids sa mga pangulo ay kaugalian na sa Singapore bilang pagpupugay sa mga lider sa panahon ng kanilang state visits.
Ang orchid na ipinangalan kay Pangulong Marcos ay tatawaging “Dendrobium Ferdinand Louise Marcos”.