NAPAGKASUNDUAN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping na i-establisa ang isang “direct communication mechanism” upang maiwasan ang posibleng miscommunication sa West Philippine Sea (WPS).
Ginawa ng dalawang lider ang naturang kasunduan sa isang joint statement na inilabas sa huling araw ng state visit ni Pangulong Marcos sa China.
Bukas ang naturang communication line sa pagitan ng Maritime and Ocean Affairs Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at ng Department of Boundary and Ocean Affairs ng Ministry of Foreign Affairs ng China.
Sinang-ayunan nina Pangulong Marcos at President Xi na ang ‘confidence-building measures’ ay makatutulong sa pagpapabuti ng tiwala sa isa’t isa.
Muli rin nitong pinagtibay ang kahalagahan ng foreign ministry and consultations at ang bilateral consultation mechanism sa WPS.
Kaugnay rito, mas pinagtibay pa ng dalawang lider ang kahalagahan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa WPS.