PBBM, binisita ang gov’t troops sa AFP Visayas Command sa Lapu-Lapu City

PBBM, binisita ang gov’t troops sa AFP Visayas Command sa Lapu-Lapu City

BINATI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa epektibong pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa pambansang teritoryo.

Pinuri ni Pangulong Marcos ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pangunahing papel sa pag-secure ng mga teritoryo ng bansa.

Ang pahayag ni Pangulong Marcos ay sa gitna ng kanyang camp visit sa Brigadier General Benito N. Ebuen Airbase sa Lapu-Lapu City sa Cebu nitong Lunes.

Kinausap ni Pangulong Marcos ang military officials at personnel ng AFP Visayas Command sa isinagawang Talk to Troops event.

Ayon kay Pangulong Marcos, posible lamang ang pagkamit ng kaunlaran at maginhawang buhay para sa mga Pilipino kung masisiguro ang peace and order.

Gayundin ang pagprotekta sa mga mamamayan laban sa mga lokal at pandaigdigang banta.

“Ngunit kailangan malaman ng ating mga Armed Forces, kailangan ninyong malaman na hindi – kami sa civilian, hindi namin kayang gawin ‘yung aming ginagawa kung hindi mapayapa ang Pilipinas, kung hindi ang peace and order ay maayos, kung hindi masasabi natin secure ang Pilipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Inilahad pa ni Pangulong Marcos na sa loob ng maraming taon, nagawa ng Pilipinas na panatilihin ang kapayapaang ito at mapanatili ang pagkakaunawaan ng lahat.

“Our foreign policy is guided by a commitment to peace and guided by the national interest. Kaya’t kapayapaan ang pinakamahalaga,” dagdag ni Pangulong Marcos.

 “But I know in my heart, I know that our men, our officers, our men, our women in the military will always stand up, will always stand up to the challenges that the Philippines faces in the best tradition of the military, in the best tradition of our heroes that have gone past. Once again, we continue to see heroes being made in our military,” dagdag ng Pangulo.

Sa kanyang pagbisita, sinaksihan din ni Pangulong Marcos ang paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Provincial Government of Cebu at ng Department of National Defense (DND) – AFP hinggil sa relokasyon at functional replication ng mga apektadong gusali/istraktura/ mga pasilidad, kabilang ang road nets, electric at water facilities ng Central Command (CENTCOM), AFP mula sa kasalukuyang lokasyon nito sa Camp Lapu-Lapu.

Bago ang camp visit na ito sa Lapu-Lapu City, ay pinangunahan ni Pangulong Marcos kasama ng iba pang national at local government officials, ang paglulunsad ng mga pangunahing proyekto ng pampublikong sektor tulad ng Bus Rapid Transit system at ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter