HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging aktibo sa pagpapanatili ng ugnayan ng Pilipinas sa mga kaalyado nitong bansa.
Ito ay sa harap ng komplikadong geopolitical situation sa labas ng bansa.
Ginawa ni PBBM ang naturang pahayag sa ginanap na oathtaking ceremony sa Malakanyang.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang panunumpa ng 78 newly promoted generals at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Pebrero 6.
“We, therefore, have to be more agile in our responses not only in the military area but also in diplomacy, also in geopolitical negotiations, and in our partnerships that we foster with our friends and allies around the world,” ani PBBM.
Hinangad din ng Pangulo na palakasin ang pakikipagtulungan ng bansa sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kaalyado, kasosyo, at iba pang stakeholder upang pangalagaan at isulong ang pambansang interes ng bansa sa gitna ng mga tensyon at hamon.
‘’It is important that we continue to keep up with the times. Not only has the situation the geopolitical situation become more complex, even the method of warfighting has become more complex with the new technologies, with the new capabilities that have become available to us,” saad nito.
Tiniyak naman ng Chief Executive ang patuloy na suporta ng administrasyon sa mga programa na nagpo-promote ng kapakanan ng mga trópa ng pamahalaan at kanilang pamilya.
Kasabay nito, ay muling tiniyak ni PBBM ang modernisasyon sa AFP, na isa sa mga pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon para tugunan ang national security concerns.
Umaasa naman si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang maayos na trabaho at patuloy ding panatilihing ligtas ang bansa.