HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na tulungan siya sa pagtupad ng kanyang mga pangako na iangat ang kalagayang pang-ekonomiya ng mamamayan.
Gayundin ang pagsulong ng kapayapaan at palakasin ang pambansang seguridad.
Ang pahayag ng Punong Ehekutibo ay kasabay ng ginawang oath of office ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National Anti-Poverty Commission (NAPC), Marawi Compensation Board (MCB), at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU).
Ginanap ito sa Palasyo ng Malakanyang nitong Lunes.
Bagama’t hindi pamilyar sa karamihan ang mga ahensiyang ito, ay binigyang-halaga naman ni Pangulong Marcos ang importansya ng gampanin ng mga nabanggit na opisina.
“I am very happy today that these agencies that are not terribly well-known but are extremely important to the function of this government. We know we have people in this very important agencies who we can count on,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ibinahagi ni Pangulong Marcos na ang NAPC ay ang ahensiya na maaaring tumulong sa pantay na pamamahagi ng yaman, habang ang OPAPRU ay maaaring gawin ang bahagi nito sa proseso ng kapayapaan.
Sa kaso ng Marawi City, sinabi ng Pangulo na marami nang pinag-usapan kung paano sisimulan ang rehabilitasyon at kung paano tuluyang maibabalik ang mga tao sa kanilang mga tahanan.
Mga bagong opisyal ng NAM, NAPC, MCB at OPAPRU, nanumpa sa tungkulin
Nitong Pebrero 20, nanumpa ang mga bagong itinalaga na opisyal na bubuo sa mga pamunuan ng National Amnesty Commission (NAC), National Anti-Poverty Commission (NAPC), Marawi Compensation Board (MCB), at OPAPRU.
Kasama sa mga nag-oathtaking sina:
Atty. Leah T. Armamento, Chairperson, NAC; Atty. Jamar M. Kulayan, Member, NAC; Atty. Nasser A. Marohomsalic, Member, NAC; Lope B. Santos II, Lead Convenor, NAPC; Maisara Dandamun-Latiph, Chairperson, MCB; Romaisa L. Mamutuk, Member, MCB; Dr. Jamaica L. Dimaporo, Member, MCB, Sittie Aliyyah L. Adiong, Member, MCB; Mustapha C. Dimaampao, Member, MCB; Dalomabi Lao Bula, Member, MCB; Mabandes Sumndad Diron Jr., Member, MCB; Nasser M. Tabao, Member, MCB; Atty. Mosmelem Macarambon Sr., Member, MCB; David B. Diciano, Presidential Assistant I, OPAPRU; Arnulfo R. Pajarillo, Presidential Assistant I, OPAPRU; Isidro L. Purisima, Presidential Assistant I, OPAPRU; Andres S. Aguinaldo Jr., Executive Director IV, OPAPRU; Susana Guadalupe H. Marcaida, Executive Director IV, OPAPRU; Wilben M. Mayor, Executive Director IV, OPAPRU; Cesar D. De Mesa, Executive Director IV, OPAPRU.
Kaugnay dito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga bagong nanumpa na opisyal na masusing pag-aralan ang kanilang mga organisasyon.
Hinimok din ni Pangulong Marcos ang mga nabanggit na opisyal na alamin kung ano ang kailangang gawin upang ang pamahalaan ay makapagsagawa ng mga interbensyon para sa kapakanan ng mga tao.