PBBM, hinimok ang mga Pilipino na magkaisa kasabay ng paggunita ng Ninoy Aquino Day

PBBM, hinimok ang mga Pilipino na magkaisa kasabay ng paggunita ng Ninoy Aquino Day

NAKIKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa bansa sa paggunita ng Ninoy Aquino Day ngayong araw.

Sa kaniyang mensahe, hinikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na isantabi ang mga pagkakaiba sa politika at magkaisa para sa kapakanan at pag-unlad ng bansa.

Tinukoy ng Pangulo ang pagmamahal sa bayan bilang compass na tutulong sa bansa na magkaroon ng maayos na kapaligiran.

Hinimok din ni Pangulong Marcos ang mga Pilipino na humugot ng inspirasyon sa hindi natitinag na diwa ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Alinsunod sa Republic Act No. 9256, ang ika-21 araw ng Agosto bawat taon ay idineklara bilang Ninoy Aquino Day.

Ngayong taon, ginugunita ang 40th death anniversary ni former Senator Ninoy Aquino.

Samantala, idineklara namang isang non-working holiday sa buong bansa ang araw na ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble