IPINANGAKO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabibilisin ng pamahalaan ang pamamahagi ng land ownership titles sa farmer-beneficiaries ng Agrarian Reform ngayong taon.
Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pahayag sa ginanap na Cabinet meeting sa Malacañang.
Kasama ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa nagpresenta ng kanilang accomplishments noong 2022 maging ng kanilang target programs para sa 2023.
Sa naturang pulong, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa DAR na madaliin ang pagsusumikap para sa distribusyon ng certificates ng land ownership awards (CLOAs) sa mga benepisyaryo nito. pamamahagi PBBM
Bukod dito, ipinangako ng Chief Executive na ipagkakaloob ang higit na kinakailangang suporta para mapagbuti pa ang kondisyon sa pamumuhay ng agrarian reform beneficiaries (ARBs.)