NAGPAHAYAG ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Muslim community sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Pangulo na umaasa siya na ang mga Muslim dito at sa ibayong dagat ay lubos na ilapat sa kanilang pang-araw-araw na buhay ang mga aral at pagpapahalaga sa pagdiriwang ng Ramadan.
Pinapaalalahanan ng Punong-Ehekutibo ang lahat na patuloy na isabuhay ang diwa ng pagkakaisa, pagmamahalan, at pagtutulungan sa kabila ng pagkakaiba-iba.