LUBOS ang pasasalamat ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa pamahalaan ng China para sa mainit nilang pagtanggap sa naging state visit nito sa Beijing.
Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang China sa makabuluhang pulong na nakatuon sa ikabubuti ng kapakanan ng parehong bansa.
Umaasa naman si Pangulong Marcos na maging mas malalim ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China at sa higit pang oportunidad para sa pagtutulungan sa hinaharap.
Nitong hapon ng Enero 5, nakabalik sa bansa si Pangulong Marcos kasama ang Philippine delegation mula sa matagumpay na tatlong araw na state visit sa China. pasasalamat