MAS may diin na kontra smugglers at hoarders si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ayon sa isang Analyst.
Mas may diin na si PBBM ngayon laban sa smugglers at hoarders.
Ito ang napapansin ni Political Analyst Prof. Anna Malindog-Uy bilang komento sa naging ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos sa panayam ng SMNI News.
Sa kabila nito ay nais sana ni Malindog-Uy na may kunting diin pa hinggil sa isyu ng korapsiyon si Pangulong Marcos.
Bilang dagdag komento na rin ay sinabi nito na mas may laman ang unang SONA ni Pangulong Marcos kung ikukumpara sa ngayon.
Nilinaw naman ni Malindog-Uy na naiintindihan niya ito dahil sa unang SONA ay inilalahad pa ni Pangulong Marcos ang kabuoang plano niya para sa kaniyang buong termino.
Sa kabuoan, maganda ang SONA ni Pangulong Marcos para sa nabanggit na political analyst.