NAKAUWI na si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa bansa kaninang 3:30 ng umaga mula sa kaniyang dalawang araw na state visit sa bansang Vietnam.
Sa kaniyang pag-uwi, inihayag ng Pangulo na ang resulta ng state visit na layong pagtibayin pa ang strategic partnership sa Vietnam.
Sa pakipagpupulong ni Pangulong Marcos kay Vietnam President Vo Van Thoung, kabilang aniya sa natalakay ang kooperasyon ng dalawang bansa sa defense, maritime, trade and investment, economic, education, tourism, at culture.
Partikular na sa napagkasunduan ang ugnayan kaugnay sa agrikultura.
Nagkaroon naman ng pagkakataon si Pangulong Marcos na makipagpulong kay Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh at National Assembly Chairman Voung Dinh Hue.
Kabilang din sa binisita ng Pangulo ang Filipino community sa Vietnam kung saan pinasalamatan nito ang mga Pilipino sa patuloy na pagbibigay ng magandang imahe ng Pilipinas sa naturang bansa.