NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng land titles sa 2,143 na magsasaka mula sa Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Guimaras Islands.
Ginagawa ang seremonya para sa pamamahagi ng land titles nitong Disyembre 11 sa Passi City, Iloilo.
Kasama ni Pangulong Marcos sa pamamahagi si Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella III.
Sa kabuuang 2,143 beneficiaries, nasa 1,035 mula rito ay mga magsasaka na nanggagaling sa Capiz; 681 ang mula sa Iloilo; habang 210 ang mula sa Antique.
84 ang mula sa Aklan at 33 ang mula sa Guimaras Islands.
Namahagi rin ang DAR ng farm machinery equipment na nagkakahalaga ng P26.7-M sa 90 agrarian reform beneficiary organizations.