PINAGBIBITIW ng ilang lider sa agriculture sector si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Agriculture Secretary.
Sa harap na rin ito ng krisis na nangyayari ngayon sa suplay ng sibuyas na super mahal ang presyo.
Ayon kay Philippine Egg Board Association President Gregorio San Diego, maraming concerns ang Pilipinas hindi lamang sa agrikultura kaya mainam na ipagkatiwala na lamang ng Pangulo ang posisyon bilang Agriculture Secretary sa iba.
Saad pa ni San Diego na sa halos pitong buwan sa pwesto ni Pangulong Marcos ay 2 beses pa lamang itong nakapunta sa DA at palagi pang nasa labas ng bansa kaya dapat nang magtalaga ang Pangulo ng permanent secretary sa DA.
“Palagi siyang wala sa bansa natin. Infact dalawang beses pa lang siyang napunta sa Department of Agriculture. Dapat mag-assign na siya ng permanent secretary,” saad ni San Diego.
Umaasa naman sila San Diego sa poultry sector na matino ang ilalagay sa pwesto ni Pangulong Marcos na may matinong malasakit sa local agriculture ng bansa.