PBBM, pinarangalan ang mga Pinoy artist at atleta na nagwagi sa kani-kanilang larangan

PBBM, pinarangalan ang mga Pinoy artist at atleta na nagwagi sa kani-kanilang larangan

BINATI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga Pilipinong artista at atleta na nakipagkumpitensiya at nanalo sa iba’t ibang international events.

Sa isang meet-and-greet sa Malacañang nitong Huwebes, pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga ito sa muling paglalagay sa Pilipinas sa global map.

Hinimok ni Pangulong Marcos ang mga artista at atleta na ipagpatuloy ang pagdadala ng karangalan sa Pilipinas.

Sinabi rin ng Punong Ehekutibo na napakahalagang bahagi ng kanilang tagumpay ay ang pagbibigay-diin sa grand tradition ng Filipino artists at athletes at muling ilagay ang Pilipinas sa pandaigdigang mapa.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang bansa ay may napakaraming potensiyal sa palakasan at maaari itong magbunga ng magagaling na mga manlalaro sa pamamagitan ng dedikasyon, masipag na pagsasanay, at tamang coaching.

Kabilang sa mga nagbigay ng courtesy sa Pangulo ay ang Filipino singer na si Jex Marc de Castro; mga boksingero na sina Melvin O. Jerusalem, Charly C. Suarez, at Marlon T. Tapales; ang Makati Football Club (MFC); at ang Philippine Men’s National Ice Hockey Team, kasama ang kani-kanilang mga miyembro ng koponan.

Nanalo ang mga atleta at artista sa iba’t ibang internasyonal na kompetisyon mula Enero hanggang Abril 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter